Pages

Thursday, February 3, 2011

ala-ala

sa t'wing namamahinga,at ipipikit yaring mga mata
aking nagugunita ang masayang sandali 'nung ako ay bata pa!
sa aming baryo,tahimik at mapayapa
tunay na pinag pala ng kagandahan at biyaya
na nagmula sa ating Amang Bathala

bukang liway-way sa silangan, ay tunay na kay ganda
wari'y sinasabing, tayo'y humayo na
ating linangin ang lupang minana mula pa ka'y lolo't lola
ang hamog sa parang na aming palaruan,mga puno't halaman na aming kabuhayan
at ang malinaw na ilog na kay sarap pag-languyan
ako'y laging sabik na ito'y balikan

pagsapit ng dapi't hapon, huni ng kuliglig ang naririnig
na waring musika sa aking pandinig
at bago ipahinga ang pagal na katawan
iyong masasamyo ang bango ng bakuran
na nagmumula sa puno ng ilang-ilang

ohh...sadyang kay sarap gunitain ang kahapon
lalo na't dina mararanasan ang ganitong uri ng kaligayahan
lipas narin ang kagandahan ng ating kapaligiran
na dulo't ng kapabayaan sa ating kalikasan
ipipikit nalamang yaring mga mata
upang mag balik ang masayang ala-ala 

No comments:

Post a Comment